Dengvaxia epektibo laban sa dengue
MANILA, Philippines — Inihayag ng World Health Organisation (WHO) na kinilala nila ang bisa ng Dengvaxia laban sa dengue tulad nang pagkilala at patuloy na paggamit ng bakunang ito ng may 18 bansa lalo na ng mga bansang may mataas na insidente ng dengue.
Nagtataka ang WHO na sa 19 bansa na gumamit sa dengvaxia ang Pilipinas lamang ang nagkaroon ng malaking pagtutol laban dito na walang basehan sa siyensya.
Sa bansang Brazil, na isang endemikong bansang tulad ng Pilipinas, patuloy ang paggamit ng Dengvaxia bilang bakuna sa anti-dengue program nito upang mapababa ang bilang ng mga taong namamatay sa sakit na dengue kada taon. Labingwalo pang mga bansa sa mundo, tulad ng Singapore, ang gumagamit sa Dengvaxia bilang tulong upang maiwasan ang pagkakasakit ng dengue.
Karamihan sa mga bansang gumagamit ng Dengvaxia bilang bakuna, ay pinahintulutan na ang Sanofi Pasteur upang mabago ang labelling nito.
Noong Disyembre 22, inilathala ng WHO ang kanilang abiso hinggil sa kahusayan ng Dengvaxia bilang bakuna sa mga lugar na may mataas na insidente ng dengue.
Bago pa man ma-rehistro ang Dengvaxia ng pamahalaan ng Mexio noong 2015, naisagawa na ang clinical trials sa pagbakuna ng mahigit 30,000 katao at walang naging malalang epektong napansin ang mga siyentista sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.
- Latest