‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok’ ng DOTr

Sinabi ni DOTr Undersecretary Thomas Orbos, layunin nilang hikayatin ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga makikita nilang mga pasaway na motorista na patuloy pa ring gumagamit ng mga sira, luma at mausok na sasakyan.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Isusunod na ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang programang ‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok” matapos ang proyektong “Tanggal Bulok, Tanggal Usok”.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Thomas Orbos, layunin nilang hikayatin ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga makikita nilang mga pasaway na motorista na patuloy pa ring gumagamit ng mga sira, luma at mausok na sasakyan.

Kasalukuyan ng  ginagawa ang mga guidelines at protocol para sa natu­rang  programa bago ito ilunsad sa darating na araw ng Lunes.

Ang pangunahing target ng kampanya ay ang mga sasakyang smoke belcher, bukod pa yaong may mga sirang ilaw at kalbong gulong.

Maaari aniyang kuhanan ng litrato ng publiko ang mga naturang PUV na makikita nilang kakarag-karag o bulok na at isumbong ang mga ito sa mga otoridad.

Ang naunang prog­ramang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” ay  nagresulta sa paghuli sa may 1,000 pasaway na  drivers na nagmamaneho ng mauusok na PUVs, may kalbong gulong at hindi nagbubukas ng ilaw kahit bumibiyahe ng gabi.

 

Show comments