Dahil sa mga foreign trips: Marina chief sinibak ni Duterte

Sinibak na MARINA chief Marcial Amaro III
IISD photo

MANILA, Philippines — Dahil sa sobra-sob­rang biyahe sa labas ng bansa ay tuluyan  nang sinibak kahapon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte si Maritime Industry Authority (Marina) administrator Marcial Amaro III.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na natuklasan ni Duterte ang 24 foreign trips ni  Amaro na ang 6 ay noong 2016 at ang  18 noong 2017, simula nang siya ay italaga sa puwesto ng Pangulo noong Hulyo 2016.

Magugunita na kamakalawa ay naglabas din ng memorandum si Pangulong Duterte kung saan ay naglilimita sa mga foreign trips ng mga opisyal ng gobyerno.

Nabatid na inireklamo ng Alliance of MARINA Employees kay Pangulong Duterte si Amaro kung saan inakusahan ng mga ito si Amaro na ‘absentee administrator’ na pala­ging wala sa kanyang opisina dahil sa kanyang mga foreign travel.

Una nang sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa junket sina PCUP chairman Terry Ridon at DAP president Elba Cruz.

 

Show comments