Tinted na sasakyan bawal sa Edsa

MANILA, Philippines — Ipagbabawal ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bumiyahe sa kahabaan ng EDSA ang mga tinted na sasakyan.

Ito ang inihayag ni DOTr Usec. Tim Orbos at  sa susunod na buwan ay posibleng mailabas na ni Sec. Arthur Tugade ang kanyang direktiba hinggil sa nasabing kautusan.

Ayon kay Orbos hinihintay na lamang nila ang ‘final recommendation’ ng technical working group ng kagawaran kung alin na lamang ang papayagan o anong klase ng tint ang gagamitin.

Ang pagbabawal sa pagbiyahe ng mga tinted na sasakyan ay para na rin sa safety at security ng bawat mga driver at sakay nito.

“The regulation on car window tints will also help the Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) in its implementation of the “High-Occupancy Vehicle (HOV) lane sa kahabaan ng Edsa,” wika ni Orbos.

Sa datos na nakuha ng DOTr mula sa MMDA ay may kabuuuang 27,524 na sasakyan ang dumadaan araw-araw HOV lane sa Edsa at 14,645 sa mga ito ay heavily tinted ang kanilang bintana kaya hirap ang mga otoridad na masilip ang sakay ng mga ito.

At sa oras na lumabas ang order ni Sec. Tugade sa ‘first quarter of 2018’ ay kailangan ng sumunod ang lahat ng motorista.

Show comments