^

Police Metro

Motor pumailalim sa bus, 2 utas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki at isang babae na sakay ng motorsiklo matapos su­malpok sila sa isang bus sa intersection ng Mindanao Avenue at Congressional Avenue sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Wala pang pagkaka­kilanlan sa rider na lalaki at angkas nitong babae na kapwa namatay noon din makaraang pumailalim ang kanilang motorsiklo sa City Bus na minamaneho ni Danilo Dela Cerna naganap dakong  alas-3:50 ng madaling araw. 

Ayon sa testigo na si Ronald Layumang, parehong galing Mindanao Avenue ang bus at motor na matulin ang pagtakbo.

Sumampa sa traffic island at bumangga sa isang puno ang bus upang iwasan ang motor ngunit pumailalim pa rin ang motor sa bus.

Kinailangan pang gumamit ng hydraulic jack ng MMDA at ng Quezon City Rescue Team upang makuha ang mga sakay ng motor sa ilalim ng bus.Dinala na sa Quezon City Traffic Sector 6 ang driver ng bus para imbestigahan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with