Pasahero naputol ang braso sa MRT-3

MANILA, Philippines —  Naputol ang braso ng isang babaeng pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang mahulog ito sa umaandar na tren sa Ayala station northbound kahapon ng hapon. Kinilala ang biktima na si Angeline Fernando, 24, ng Pasay City na ginagamot sa Makati Medical Center.

Ayon sa ulat na natanggap ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez, kay Raffy Robles, station supervisor ng MRT-3 na bago nangyari ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa Ayala station northbound line ay kakababa lamang umano ng biktima at nasa flatform ng Ayala station nang mahilo ito at mahulog sa papaalis ng tren. “Umaandar na ang tren noong mabuwal ang biktima at bumagsak sa ‘coppler tracks’ o dugtungan ng una at ikalawang bagon, mabuti na lamang ay kamay lang, mula sa kilikili ang naputol” Ani Chavez.

Dahil sa aksidente ay nagpatupad ng provisionary service ang MRT-3 mula sa Shaw Boulavard station patungo ng North Avenue at vice versa.

Pinutol ang biyahe mula sa Ayala station patungo ng Taft Avenue at vice versa at makalipas ang halos isang oras ay naibalik sa normal ang opeasyon ng MRT-3. 

Show comments