3 drug pusher itinumba

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na umano ay drug pusher ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi pa kilalang suspek sa magkahiwalay na insidente sa Parañaque,Taguig at Quezon City.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Ruel Loterte, 42, may-asawa, ng Sitio Malaya, Barangay Merville, Parañaque City matapos barilin dakong alas-12:45 ng madaling araw sa pintuan ng kanilang bahay ng suspek na pinagbuksan nito.

Dakong alas-10:10 ng gabi nang barilin si Joel Avila, 21, ng Katuparan,Taguig City ng hindi pa kilalang suspek.

Patay din ang isang alyas Reynold Tangkad nang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki ganap na alas-4:00 ng hapon kamakalawa sa may Rosal St., Barangay Payatas, Quezon City.

Show comments