^

Police Metro

10 bus terminal kinandado ng MMDA

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinandado ng pamunuan ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) ang 10 bus terminal sa kahabaan ng Edsa, Quezon City dahil sa hindi umano pagsunod sa panuntunan ng ahensya at paglabag sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Dakong ala-1:30 ng tanghali nang pangunahan ni MMDA Chairman Danny Lim katuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Quezon City BPLO ang operasyon.

Ang mga isinarang terminal ay kinabibila­ngan ng Jac Liner, Philtranco, DLTB Company, Five Star Li­ner, Panga­sinan Cisco, Golden Bee, First Nort Luzon, Amihan Bus Lines, Lucena Lines at ES Transport terminal na pawang nasa kahabaan ng Edsa, Quezon City.

Ayon kay Lim, isinara nila ang mga naturang terminal  dahil sa hindi pagsunod sa ipinatutupad nilang ‘Nose In, Nose Out policy’ at ordinansa ng local government unit.

Una nang ipinasara ng MMDA ang apat na bus terminal sa Edsa-Pasay City dahil din sa kaparehong paglabag.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with