Clan war: Konsehal patay

MANILA, Philippines -  Patay ang isang konsehal matapos itong pagbabarilin ng mga armadong salarin na hinihinalang mortal na kaaway ng kanilang pamilya sa Talitay, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Talitay Municipal Councilor Guialuson Guiamal Angen, 54 anyos, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinasawi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang armadong salarin ang biktima  sa Brgy. Brar ng bayang ito.

Pinaniniwalaan namang rido o clan war ang motibo ng krimen habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.   

Show comments