Drilon, Trillanes, De Lima at Abad kakasuhan sa PDAF scam
MANILA, Philippines - Magsasampa ng kaso sa Department of Justice si Janet Lim Napoles laban sa tatlong senador at dating secretary kaugnay ng Priority Development Assistant Fund (PDAF) scam.
Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II, sa kanyang nakuhang impormasyon kabilang sa mga sasampahan ng kaso ay sina Senators Antonio Trillanes IV, Leila de Lima at Franklin Drilon at dating budget Secretary Florencio Abad.
Magugunita na pinawalang sala ng Court of Appeals si Napoles sa kasong serious illegal detention na kinasasangkutan ng kanyang dating aide na si Benhur Luy.
Inihayag ni Aguirre na posibleng gamiting testigo ang sinasabing utak ng pork barrel scam sa panibagong imbestigasyon ng DOJ, pero nilinaw nito na mananatili at hindi maaapektuhan ng imbestigasyon ang plunder at graft cases ni Napoles sa Sandiganbayan.
- Latest