MANILA, Philippines - Matapos mapatunayang guilty sa kasong falsifications of public documents ay ipinag-utos kahapon ng tanggapan ng Ombudsman na kasuhan si Southern Leyte Governor Damian Mercado.
Batay sa record, si Mercado ay bigong magsumite ng tama at kumpletong detalye ng kanyang Personal Data Sheet (PDS) at Elective Local Official’s Profile Directory (Data Capture Form).
Sa mga naipakita nitong dokumento, siya ay isang civil engineer at nagtapos ng kanyang elementary grades sa Maasin Central School mula 1964 hanggang 1971.
Ayon sa Ombudsman, sa 2010 PDS ni Mercado, bigo itong sabihin ang taon ng siya ay nagtapos mula sa educational institutions na sinasabing nag-aral siya dito.