^

Police Metro

Opisina ng dole niratrat

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ay pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek ang pinto ng main office ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ni PO3 Ferdinand Leyva, Manila Police District -Station 5, naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng mada­ling araw sa DOLE main building na matatagpuan sa Muralla Drive, panulukan ng General  Luna St., Intramuros.

Sa salaysay ng nakatalagang security guard na si Ruel Artezuela, 33, sa information/reception desk, nang magulat sa sunud-sunod na putok ng baril kaya dumapa umano siya upang hindi matamaan.

Nang tumahimik na ang paligid ay saka lamang inireport sa kanyang mga kasamahan ang insidente at idinulog sa Intramuros Police Community Precinct (PCP).

Narekober ng mga pulis ang walong basyo ng bala mula sa kalibre 9 mm na baril at may mga tama ng bala ang main door.

Malaki ang hinala na may kaugnayan sa mga kilos protesta ang nasabing pamamaril sa tanggapan ng DOLE na posibleng pahiwatig na hindi pa nasisiyahan ang ilang grupo ng mga manggagawa sa mga hindi natutupad na pa­ngako ng gobyerno.

 

OPISINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with