^

Police Metro

Batangas isinailalim sa State of Calamity

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang 5.5 magnitude na lindol noong Martes ay isinailalim na kahapon sa state of calamity ang  lalawigan ng Batangas na naramdaman rin sa 19 lugar sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ang pagsasailalim sa state of calamity sa lalawigan ay inianunsyo ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas  kung saan napinsala ng lindol ang Batangas Capitol Building na tinatayang aabot sa P 18-M ang halaga.

Naapektuhan din ang mga komersyal na establis­yimento at mga simbahan sa lalawigan kabilang ang siglo na ang itinagal na Saint Martin of Tours  Basilica  sa Taal na nagtamo ng bahagyang pinsala na  dinarayo sa lalawigan partikular na kapag sumasapit ang Semana Santa.

Wala namang naitalang nasugatan at nasawi sa pagyanig ng lindol na nakasentro sa hilagang kanluran ng ­Ti­ngloy, Batangas.

Itinaas na rin sa red alert status ni Regional Disaster Risk  Reduction and Management Council (RDRRMC) Director Vicente Tomazar ang buong CALABARZON (Calamba, Laguna,  Batangas, Rizal at Quezon).

Magugunita na bandang alas – 8:58 ng gabi  base sa tala ng PHIVOLCS nang maramdaman ang 5.5 lindol sa Ting­loy, Batangas  kung saan Intensity V naman sa Malvar at Calatagan.

MAGNITUDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with