^

Police Metro

Gobernador ng Davao del Sur kinasuhan ng graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong 2 counts of graft, 2 counts ng malversation at 1 count ng bribery na isinampa sa Ombudsman laban kay Davao del Sur Gov. Douglas Cagas na may kinalaman sa nawawalang P16 milyong pork fund at umanoy kickback na P9.3 milyon  noong kongresista pa ng ikalawang distrito ng lalawigan noong taong 2007.

Inerekomenda naman ng Ombudsman na makapagpiyansa si Cagas ng kabuuang P160,000 kaugnay ng naturang mga kaso para pansamantalang makalaya.

Kapwa akusado negosyanteng si Janet Napoles  at si dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut at iba pa dahil sa maanomalyang paggamit ng kanyang pork barrel noong mambabatas pa.

Sinasabing nagkaroon ng ghost livelihood project si Cagas kakutsaba ang naturang mga akusado noong 2007 na hindi man lamang napakinabangan ng kanyang mga constituents dahilan sa pagbubulsa lamang umano sa naturang pondo.

DOUGLAS CAGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with