3 paslit patay sa kinaing butete

MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang tatlong batang magkakapatid  makaraang kumain ng butete habang nakaligtas naman ang kanilang ama na naganap noong Huwebes sa Brgy.Cabugao, Siruma, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawing magkakapatid na sina Jovelyn Alano, Rea Charm Alano, at Jhonwen Alano.

Nagawa namang mai­ligtas ang ama nilang si  Joel Alano.

Nabatid na nahuli ng ama ang butete sa dagat na kanilang inulam sa hapunan at ilang sandali matapos makakain ay nakaranas na ang mga ito ng pagsusuka at pagtatae.

Dinala ang mga ito sa ospital, subalit hindi na nagawang mailigtas ang tatlong bata.

 

Show comments