MANILA, Philippines - Darating ngayong araw (Linggo, Marso 19) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Myanmar para sa kaniyang unang official visit sa nasabing bansa.
Si Pangulong Duterte ay makikipagpulong kay Myanmar President U Htin Kyaw upang pag-usapan ang pagpapalakas ng bilateral relations sa pagitan ng Myanmar at ng Pilipinas.
Ayon kay Alex Chua, Ambassador ng Pilipinas sa Republic of the Union of Myanmar, mahalaga ang pagbisita ng Pangulo lalo na sa pagpapalakas ng trade at investments relations ng dalawang bansa.
Ang official visit ng Pangulo ay mula Marso 19 hanggang 20 na nataon sa selebrasyon ng ika-60th anniversary ng pagbuo ng Pilipinas-Myanmar bilateral relations.
“Commemorative activities have been held beginning last year and the President’s visit to Myanmar this year is the culmination of the celebration of this milestone in our friendly relations with Myanmar,” pahayag pa ni Chua.