Surigao City muling nilindol!

MANILA, Philippines -  Niyanig sa ikalawang pagkakataon ng malakas lindol kahapon ng umaga ang Surigao City sa lakas  na magnitude 5.9.

Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanologist and Seismology (Phi­volcs), naramdaman ang sentro ng lindol 13 kilometer sa timog kanluran ng Surigao City, dakong alas-9:18 ng umaga na sanhi ng paggalaw ng Philippine Port Surigao segment na tectonic ang origin.

Naramdaman naman ang intensity 5.9 sa Surigao City; Intensity 4 sa Limasawa at San Ricardo, Southern Leyte; Intensity 3 sa San Juan at San Francisco Southern Leyte; at Intensity 2 naman sa General Luna, Surigao del Norte, Ormoc City.

Ayon pa kay Solidum, dahil may kalakasan maaa­ring ang mga nasira na noong tamaan ang Surigao ng magnitude 6 ay maaaring masira pa dahil nasa lupa na ang sentro ng lindol, kaysa noong huli na sa dagat ang sentro ng pagyanig.

Alas-9:11 naman nang maramdaman ang 2.6 na magnitude sa bayan ng Del Carmen, Surigao del Norte, habang magnitude 3.0 na lindol naman ang naramdaman sa Basilica Surigao del Norte, dakong alas-9:14 ng umaga.

Sabi ni Solidum, Maituturing din anyang aftershocks ng nakaraang malakas na pagyanig at dahil may kalakasan na noong una ay pahina na ito nang pahina at normal naman ito sa kasalukuyan. 

Show comments