100 Katao tiklo sa One Time, Big time operations

MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 100 katao kabilang ang isang wanted sa batas  ang nasakote ng pulisya sa ikinasang “One Time Big Time Operations sa lungsod ng Parañaque kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque City Police, nagsimula ang kanilang  o­perasyon alas-10  ng gabi sa Brgy.  San Dionisio at San Isidro ng naturang siyudad.

Nabatid, na 15 sa  mga nadakip  ay walang pang itaas na damit, 46 ang pawang mga menor de edad   na lumabag sa curfew hours, 31 ang mga umiinom sa kalye at 11  ang pawang may mga  warrant of arrest  o mga wanted.

Samantalang nasamsam  rin ang 24 pirasong  motorsiklo,  na walang mga kaukulang dokumento. Idinagdag pa ng opisyal na paiigtingin nila ang operasyon upang malinis sa illegal na gawain at madisiplina ang mga pasaway na residente sa lungsod.

Show comments