Patunayan na may 2 asawa... Bacani kay Duterte: Bibigyan kita ng P10-M

MANILA, Philippines - Hinamon ni

Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani s

i Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang mangutang ng P10 milyon para ibigay dito kung mapapatunayan nito na may dalawa siyang asawa.

“Unang-una saan nakuha ng presidente yun? Alam mo, kung makapag-produce ang presidente ng kahit na isang asawa ko, bibigyan ko siya ng limang milyong piso.Kahit mangutang ako, kung maka-produce siya ng dalawa, makaka-sampung milyon ang presidente natin,” ani Bishop Bacani.

Pinaalalahanan naman ni Bishop Bacani ang Pangulong Duterte na maghunos-dili at huwag niyang lalabanan ang katotohanan sa pamamagitan ng kasinungalingan at paninira sa kapwa.

Ang hamong ito ni Bacani ay matapos siyang banatan ni Duterte sa isang pagtitipon sa mga biktima ng Yolanda na binigyan nito ng mga bahay na ang pagbanat naman ng huli ay dahil sa akusasyon ng una na tumataas na bilang ng “death under investigation” na umaabot na sa mahigit 4-libo kaugnay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Show comments