^

Police Metro

Nene naiwan sa kotse, patay

BOOK REVIEW - Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang makita sa loob ng kotse ang isang 8-anyos na babae sa Baseco, Tondo matapos itong maiwan doon.

Nabatid na labindalawang oras na hinanap ang batang si Jana Jumaday, Grade 3 pupil ng  Benigno Aquino Elementary School at residente ng Block 15-B, Barangay 649, District V, Baseco ngunit matigas na ang katawan at nangingitim na ang mga labi nito nang matagpuan ng kanyang tiyuhin sa loob ng Kia Picanto (AAI-5704) na nakaparada malapit sa kanilang bahay.

Ayon sa tiyahin ni Jana na si Joan Papa, alas-7:00 ng gabi noong Martes nang hiramin nila ang kotse ng kanyang bayaw para gamitin sa pamamasyal.

Nakauwi ang pamil-ya alas-3:00 ng mada­ling araw kinabukasan at tinakpan pa ang sasakyan ng canvass na lona at sobrang pagod umano ay hindi na napansin ang pagbaba ni Jana at agad na silang natulog.

Napansin lamang na wala si Jana paggising nila bandang mga ala-7:00 ng umaga.

Buong araw na hinanap ng mag-asawang Joan at Victor Papa si Jana, hanggang sa may nakapagsabing nakatulog ito sa loob ng hiniram na sasakyan.

Natagpuan na lamang si Jana ng kanyang tiyuhin na si Victor na patay sa loob ng sasakyan.

Dahil sa insidente ay ina-resto si Victor na nagsilbing driver ng sasakyan at nahaharap sa kasong negligence at reckless imprudence resulting in homicide.

Nabatid na hindi na lumutang ang mga magulang ni Jana noong 2 taong gulang pa lamang ito kaya’t nagsilbing magulang ay ang mag-asawang Victor at Joan na kapatid ng biological father ng biktima.

vuukle comment

NENE NAIWAN SA KOTSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with