Rider utas sa mixer truck
MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang motorcycle rider dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan matapos mabangga ng cement mixer truck sa panulukan ng Osmeña Highway at San Andres St., San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Ang nasawi ay kinilalang si Joshua Mari Webb, 24, call center agent at residente ng no. 1255 Gonzales St., Malate, Maynila.
Ang suspek na nasa kustodya ng Manila District Traffic Enforcement Unit ay kinilalang si Mario Lamigas, 56, ng Peakson Mia East Road, Tikling, Taytay, Rizal, driver ng cement mixer truck (AGA-9344).
Batay sa ulat, nangyari ang aksidente dakong alas-3:40 ng madaling araw sa Osmeña Highway bahagi ng Pedro Gil kanto ng Tejeron St., Sta. Ana, Maynila nang salpukin ng mixer truck ang motorsiklo ng biktima.
Tumakas ang suspek, subalit naging mabilis ang pagresponde ng mga tauhan ng Skyway Auxillary na sina Andres Gragasin at John Dato-on kaya agad nadakip ang suspek.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
- Latest