Mga pulis bawal maging alalay ng mga Brgy. Chairman

MANILA, Philippines - Tinagubilinan kahapon ni Sr. Supt. Edwin Ocampo, Deputy Director for Administration ng Eastern Police District na ipinagbabawal sa kanilang kapulisan na gawing alalay ng mga Brgy. Captain na itatalaga sa kani-kanilang mga barangay sa apat na lungsod ng kanilang nasasakupan.

Sinabi ni  De Ocampo, ang ginawa nila sa EPD ay ibinaba ang kapulisan sa bawat barangay na tig-sampu para makasama ng mga tanod sa pagroronda sa loob ng 24-oras.

Nandoon ang mga pulis para tumulong, hindi lang sa Tokhang para mas madali ang responde ng pulis at hindi bantayan ang kapitan ng barangay.

   

Show comments