MANILA, Philippines – Para sa pagpapalakas ng kapasidad at paglutas ng krimen ay bibigyan ng dagdag na kapangyarihan ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 2993 na inaprubahan ng House Committee on Public Order na magbibigay ng sub-poena Power sa PNP-CIDG.
Sa ilalim ng panukala na inihain ni Surigao del Norte Rep. Francisco Matugas, maaaring mag-isyu ng subpoena duces tecum ang CIDG tulad ng ibang ahensiya ng pamahalaan.
Paliwanag ni Matugas, na ang Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigstion (NBI). Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Napolcom, BIR at Cybercrime Investigstion Coordination Center ay may kapangyarihan na maglabas ng subpoena at walang umanong dahilan para hindi ito maibigay sa CIDG na responsable sa pagresolba ng mabibigat na krimen.