Nasunog na komunidad sa Metro Manila, bigyan ng calamity fund

MANILA, Philippines – Marapat lamang na bigyan ng gobyerno ng calamity fund ang mga komunidad sa Metro Manila na nagmistulang “mini-Hiroshimas” dahil sa delubyo ng pagkasunog sa kanilang mga lugar.

Ito ang iginiit kahapon ni Senator Ralph Recto matapos maobserbahan ang mga lugar na nakaranas ng sunog sa Metro Manila kamakailan.

“Fire-hit villages which look like mini-Hiroshimas must get Calamity Fund,” pahayag ni Recto. 

Binigyang diin ni Recto, kung ang isang buong komunidad ay nawala dahil sa sunog, dapat lamang na mabigyan ang mga mamamayan na naninirahan doon ng tulong pinansiyal.

“Mabuti pa bagyo, kadalasan bubong lang ang natatangay. Sa sunog, pati pundasyon, pati septic tank, naaabo,” ang sabi ni Recto na ipinunto pang sa mga naabong lugar ay apektado rin ang linya ng tubig at kuryente.

Show comments