Sen. Joel naghain ng motion for reconsideration

MANILA, Philippines - Naghain naman ng motion for reconsideration si Sen. Joel Villanueva sa Office of the Ombudsman dahil sa lumang kaso noong miyembro pa siya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang kinatawan ng CIBAC partylist pero pinalabas na kinatawan siya ng Buhay partylist.

Inamin ni Villanueva na masama ang kanyang loob lalo pa’t peke ang mga dokumento na ginamit na pinagbatayan sa pagsasampa ng reklamo.

“Naniniwala po tayo, buong-buo ang loob natin na makakamit natin ang hustiysa dahil alam nating peke ang mga dokumento gaya ng pagbibigay na Buhay Partylist Represenative  ako, hanggang ngayon i-maintained hindi ako naging representative ng Buhay partylist,” ani Villanueva.

Idinagdag ni Villanueva na inirerespeto pa rin niya ang proseso kahit pa hindi saklaw ng kapangyarihan ang mag-dismis ng isang miyembro ng Kongreso.

Sinabi naman ni Senator Tito Sotto na ang ginawang pagsibak kay Villanueva ay mayroon na umanong Constitutional crisis na bagaman at may kapangyarihan ang Ombudsman na mag-disiplina ng mga opisyal ng gobyerno ay hindi nito saklaw ang mga miyembro ng Kongreso at Judiciary.

Show comments