De Lima, 5 pa inilagay sa watchlist
MANILA, Philippines - Dahil sa alegasyon nang pagkakasangkot umano sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) ay isinailalim ng Bureau of Immigration sina Senador Leila De Lima, dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, Presidential Security Group (PSG) member Sgt. Joenel Sanchez, dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta at dating driver at bodyguard ng senadora na si Ronnie Dayan.
Ang dalawang pahinang lookout bulletin na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay inisyu kasunod ng kahilingan ng NBI upang hindi makalabas ang mga ito ng bansa at makatakas sa isinasagawang imbestigasyon sa illegal na droga.
Sa pamamagitan ng lookout bulletin ay inatasan ng DoJ ang lahat ng immigration officers na makipag-ugnayan sa DoJ at NBI sakaling tangkain ng anim na lumabas ng bansa.
Kailangang i-forward ng BI sa DoJ ang detalye ng flight, itineraries ng mga nasa lookout bulletin.
Ayon kay Aguirrena hindi puwedeng lumabas sa bansa ang limang government officials at employees hanggang walang travel authority mula sa kanilang heads of offices.
Samantala, pinagtawanan lamang ni De Lima ang paglalagay sa kanya sa lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) dahil wala naman daw siyang balak lumabas ng bansa o tumakas.
“Huwag na sila mag-aksaya ng panahon dahil wala naman akong balak umalis para takasan ang krisis na ito,” wika pa ni de Lima sa panayam ng dumalo ito sa misa sa paggunita sa World Day Against Death Penalty sa Manila.
- Latest