^

Police Metro

Bato pasusukuin ang 1.8-M drug pushers/users

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa loob ng anim na buwang target o hanggang Enero 1, 2017 ay determinado si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na pasukuin ang target na 1.8-M drug pushers at users.

Sa pagbisita nito sa Police Regional Office (PRO) V ay nasa 40 % pa lamang sa kanilang target  ang nagsisuko na umaabot na sa 720,000 drug personality mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“We are left with less than four months (but) still attainable iyong 60 percent na kulang pero nangangamba ako dahil iyun nga pagdating namin sa 600,000 plus ang hirap umangat,” pahayag ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na ito ang dahilan kung bakit sa nakalipas na mga linggo ay naglilibot siya sa mga Police Regional Offices (PROs) sa buong bansa upang hikayatin ang kaniyang mga tauhan na magtrabaho ng triple kontra droga para matupad ang kanilang misyon.

“I feel guilty kung  hindi natin maa-accomplish ito. That is why we are targeting 1.8 million because as the president said, he has zero tolerance on drugs. Gusto niya six months zero drug affected barangays na. Wala ng apektadong barangay sa drugs, meaning drug free barangays na, yan ang standard”, punto pa nito.

Sinabi muli ni Dela Rosa na handa siyang magbitiw na PNP Chief kapag hindi nakatugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang problema sa droga sa loob ng anim na buwang palugit.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with