^

Police Metro

Bus vs bus: 3 patay, 43 sugatan

Joy Cantos at Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong katao habang 43 ang nasugatan matapos na magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa Barangay Cawag, Subic, Zambales.

Nasawi noon din ang mga biktimang sina Roque Gallardo, driver ng Zamodca Bus; Ramil Valmocina, driver naman ng Angelica Bus na may plakang CXS 921 at pasaherong nakila­lang si Eugene Baccay, empleyado ng Hanjin sanhi ng mga tinamong malaking pinsala sa katawan at ulo.

Batay sa ulat ni Subic Police Station commander C/Insp. Leonardo Madrid, bandang alas-5:20 ng umaga kahapon ay mabilis umano ang takbo ng Angelica 888 Express bus sa pababang bahagi ng kalsada na sakop ng nabanggit na barangay at dire-diretsong sumalpok ito sa papaahon na Zamodca Bus (036402)  na may lulan na 55  pasahero na karamihan ay trabahador ng Hanjin Shipping.

Patuloy na inoob­serbahan ng mga doktor ang iba pang matinding pasahero na may matinding pinsala na napag alaman na nasa kritikal na kondisyon para madala sa ospital.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with