Milyong bank deposit slip ni Leila hawak ng DOJ

Anne

MANILA, Philippines - Hawak na umano ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga deposit slips na magpapatunay sa milyung-milyong piso umanong naideposito sa bank account ng dating driver ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Si Dayan ang sinabi ni Pangulong Duterte na umano’y kumokolekta ng  drug money mule sa mga drug lords sa loob ng  New Bilibid Prison.

“Meron akong mga hawak na ilang dokumento pa. May ilang deposit slips sa bangko ng milyun-milyon. Kaya di ko ‘yan pinapalabas dahil kami ay nagbi-build up pa lang ng kaso,” ani Aguirre .

Tumanggi muna si Aguirre na pag-usapan ang deposit slips hangga’t hindi pa umano niya nabeberipika kaya’t maituturing umanong hindi authorized ang pagpapalabas ng mga deposit slips.

Hindi rin alam ni Aguirre kung paano nakakuha ang media ng  kopya ng deposit slips kasabay ng pahayag na hindi ga­ling sa kanya ang mga ito.

Inamin ni Aguirre na inaalam pa rin nila ang koneksiyon ng bank account sa umano’y drug trade  na kinasasangkutan ng senadora na hindi nakapangalan sa kanya.

Inihahanda na rin ng DOJ ang kanilang anim pang saksi upang patunayan ang koneksiyon ni De Lima sa illegal drug trade.

Show comments