Ina nabaliw: 4 anak, kapatid pinagtataga
MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang ina na umano ay nasiraan ng bait ang kanyang apat na anak kabilang ang isang 4 buwang gulang na sanggol at kapatid nito kamakalawa sa Poblacion, Cabanglasan, Bukidnon.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Municipal Health Office ang sanggol na si Mark Butlogan habang patuloy na ginagamot ang magkakapatid na sina Angela Butlogan, 10; ang kambal na sina Amolaas at Katerina, kapwa 7 at tiyahin nilang si Jonela Timbak, 13 sa Bukidnon Provincial Medical Center.
Ang ina ng magkakapatid na si Moning, 35 ay nagtangka ring magpakamatay sa pamamagitan nang paggilit sa kanyang leeg.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:40 ng hapon sa loob ng bahay ng pamilya na matatagpuan sa Purok 4, Poblacion, Cabanglasan ay tila wala sa sarili ang ginang na malalim ang iniisip na napuna ng mga kapitbahay.
Nagulantang na lamang ang mga kapitbahay sa malalakas na palahaw ng mga paslit at nang tunguhin ang tahanan ng pamilya ay dito na nadiskubre ang krimen.
- Latest