^

Police Metro

BOC pinaigting ang kampanya vs droga at smuggling

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaigting ng Bureau of Customs ang kanilang kampanya dahil sa loob pa lamang ng dalawang linggo ay mahigit sa 30 container vans na pinaghihinalaang may laman na mga smuggled goods, dalawang kilo ng cocaine, dalawang libong piraso ng ecstasy tablets, at ilang gramo ng shabu ang nasabat.

Noong Biyernes ay 30 container vans ang pinahold o pina-alerto ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos matunugan ng mga tauhan ng BOC Enforcement Group  na posibleng laman nito ay mga kontrabando o misdeclared at undervalued items.

Noong nagdaang Lunes nasabat naman ng Enforcement Group ang mahigit sa dalawang libong ecstasy pills mula sa Germany na may street value na P4 milyon na ipinasok sa bansa sa pamamagitan ng isang parcel package.

Kahapon ay naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs Enforcement Group sa Diosdado Macapagal International Airport sa Angeles City ang American national na galing sa Sao Paolo, Brazil na si Allan Soohoo na bitbit ang dalawang kilo ng cocaine na nakatago sa compartment nito.

“The BOC is the frontliner when it comes to the anti-drug campaign of the President in our borders, trabaho rin namin harangin pagpasok pa lang o paglabas ng droga sa bansa”, wika ni  BOC Enforcement Group Officer-in-charge Arnel Alcaraz.   

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with