Rody pinayuhan si Leila: Magbigti o magbitiw?

MANILA, Philippines - “Mas makakabuting magbigti ka na lamang o magbitiw bilang miyembro ng Senado”.

Ito ang naging payo kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Leila de Lima pagkatapos dalawin ang sugatang pulis na si PO1 Nestor Villanueva sa St. Paul Hospital sa Tacloban City. Nasugatan ito sa anti-drug operations ng PNP.

“If I were de Lima, I’ll hang myself. Dapat mag-resign na si De Lima. The innermost of your core as female is being serialized everyday. You should resign” wika pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na si de Lima ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na inakusahan ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal drug operations sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa inilabas nitong matrix kasama ang kanyang driver-lover na si Ronnie Dayan na kumokolekta ng drug money sa Bilibid.

Nasa matrix din si dating Bureau of Corrections director Franklin Bucayu, former DOJ Usec. Francisco Baraan III, kapatid nitong si former Pangasinan provincial administrator Raffy Baraan, Board Member Raul Sison, dating  Pangasinan governor at ngayo’y 5th district Rep. Amado Espino Jr.

 

Show comments