^

Police Metro

No negotiations sa Abu Sayyaf, pulbusin na -Digong

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – No negotiations!

Ito ang mariing sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bandidong Abu Sayyaf Group kasabay ng utos sa militar na pulbusin na ang naturang grupo upang matuldukan ang terorismo.

Sa talumpati ng Pangulo sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines Central Command (AFP-CentCom) sa Barangay Lahug, Cebu City kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang ginawa ang mga Abu Sayyaf kung hindi ang mangidnap at iba pang uri ng terorismo.

“Iyon kaya ang ginagawa ng, you know, Abu Sayyaf. There will never be any peace negotiation. You have to destroy them. That is the order: Destroy them,” utos ng Pangulo sa tropa ng militar.

Ipinaalala pa ng Pangulo ng noong siya pa ang Mayor ng Davao City, sinabi na niyang darating din ang oras na magbabayad sa kanilang mga kasalanan ang mga Abu Sayyaf.

Nagbabala pa ang Pangulo na lima hanggang sampung taon mula ngayon ay magiging malaking problema ang terorismo kaya dapat ng pulbusin ang Abu Sayyaf.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with