Trike driver binoga sa ulo

MANILA, Philippines - Agad namatay ang isang 56-anyos na tricycle driver matapos na malapitang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang lalaki habang minamaneho at binabagtas ang  kahabaan ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Alberto Samson, may asawa, tricycle dri­ver, residente ng Blk 147, Lot 29 Phase 1, Mabuhay City Subdivision, Brgy Paliparan 3 Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi ay, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle at bumabagtas sa nasabing lugar ng lapitan at barilin sa ulo ng suspek na agad tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril.

Show comments