Lady reporter sinipulan ni Duterte
MANILA, Philippines - Sinipulan umano at kinantahan pa habang nasa kalagitnaan ng press conference sa Malacañang in the South sa Davao City ni President elect Rodrigo Duterte si GMA 7 anchor/reporter na si Mariz Umali.
Inalmahan ito ng mister ni Mariz na si GMA 7 anchor/reporter na si Raffy Tima sa kanyang facebook page sa ginawa ni Duterte sa kanyang maybahay kahit nakatutok pa dito ang mga camera.
“I know his reputation well enough not to be shocked by it, but that does not make it right. For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic,” wika pa ni Tima sa kanyang Facebook page.
Sinabi naman ni Mariz na walang lumapit sa kanya upang humingi ng apology sa ginawa ni Duterte at hindi naman niya ito inaasahan.
“Iniintindi natin yan because sa mga coverage natin sa kanya talagang sinasabi niya na ganoon talaga siya at mayroon pa nga siyang sinabi na pabiro noong previous press conference na baka hindi daw perfect si God because he created him that way. Mayroon pa siyang sinabi na kapag daw nagbago siya ay hindi na siya si Rodrigo Duterte,” wika pa ni Mariz.
Sinabi naman ni incoming Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, palabiro talaga si President Duterte at hindi dapat tignan na pambabastos ang ginawa kay Ms. Umali kundi dapat tignan pa nga daw ito bilang ‘compliment’.
- Latest