4Ps tuloy sa Duterte administration

MANILA, Philippines – Itutuloy ni inco­ming DSWD Sec. Judy Taguiwalo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pag-aaralan kung talaga nakatulong sa mamamayang Filipino ang programa.

Ayon kay Taguiwalo na walang katotohanan na ipapahinto ng Duterte administration ang 4Ps at aalamin niya kung hindi nagamit ng mga pulitiko ang 4Ps sa kanilang pamumulitika sa pagpapalaganap ng 4Ps.

“We’d like to look into anong impact ng 4Ps, anong nagawa na positive… In other words, hindi ko ito ihihinto, pag-aaralan nating mabuti para matiyak ang pamil­yang Pilipino hindi kailangang umasa sa allowance na makukuha nila, kundi may sapat na trabaho na matutugunan,” giit  nito.

Show comments