Pulis-Quezon City timbog sa shabu

MANILA, Philippines – Isang pulis na nakadestino sa QCPD ang nadakip sa isinagawang buy bust operation sa Marikina City, ka makalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si PO1 Orlando Santos Jr. nasa hustong gulang, nangungupahan sa Balubad Settlement, Barangay Nangka, Marikina City.

Dinakip din ang live-in partner ng suspek na si Joyce Ann Combi at ang may-ari ng bahay na si Eddie Portacio.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang  isagawa ang buy bust operation dahil na rin sa reklamo ng mga residente sa lugar hinggil sa ginagawang pagbebenta ng droga ng pulis.

Agad na iniutos ni Calanoga ang pagsasagawa ng survaillance operation laban kay PO1 Santos at nang makumpirma na totoo ang reklamo sa sulat ay isinagawa ang buy bust operation at nasamsam ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu, marked money at kalibre 45 baril.

Show comments