Rep. Villar tinanggap ang DPWH post

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Las Pinas City Rep. Mark Villar  na tinanggap na nito ang alok ni presumptive president Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Villar na kinausap siya ni Duterte para pamunuan ang DPWH sa ilalim ng administrasyon nito kaya kaagad umano niyang kinausap ang kanyang pamilya at constituents tungkol dito.

Matapos ang masusing pagtimbang at pag-iisip ay nagdesisyon umano siyang tanggapin ang DPWH portfolio.

Si Villar ay kapapanalo lamang sa nakalipas na eleksiyon para sa huli nyang termino bilang kinatawan ng Las Piñas sa Kamara.

Hindi naman malinaw pa kung ano ang mangyayari sa pwestong iiwan ni Villar lalo na ngayong nakatakda pa lamang magbukas ang 17th congress sa buwan ng Hunyo.

Show comments