MANILA, Philippines – Dinisbar ng Supreme Court si Atty. Ronald C. Aguado, matapos ang pagkakasangkot nito sa pangha-hijack sa isang delivery van ng mga cellphone sa Quezon City noong 2010.
Napatunayan ng SC na nakagawa ng gross misconduct at lumabag sa Code of Professional Responsibility si Aguado makaraang gumamit ng pekeng ID at mission order ng Presidential Anti- Smuggling Group (PASG).
Batay sa record, Marso 2010 nang nagpakilala si Aguado bilang legal consultant at Assistant Team Leader ng PASG para ma-hijack ang van ng Cobalt Resources, Inc na may mga cellphone na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.
Sa pahayag naman ng SC public information office, pinapayuhan ang lahat ng mga nakapasa sa bar exams na nakatakdang manumpa sa Hunyo na hindi kailanman dapat masangkot ang isang abogado sa panloloko at ilegal na gawain.