B-day girl dedo sa kidlat

MANILA, Philippines – Napalitan ng kalungkutan ang masaya sanang pagdiriwang ng ika-15 kaarawan ng biktimang si Manuela Burillo, matapos tamaan ng kidlat kahapon sa Purok 2, Brgy. Doongan sa Butuan City, Agusan del Norte.

Batay sa ulat, naliligo sa ulan ang biktima kasama ang dalawa nitong pinsan nang biglang kumidlat at tumama sa katawan si Burillo.

Dinala ito sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Halos hindi makapaniwala ang pamilya sa sinapit ng biktima na katatapos lang magdiwang ng kanyang ika-15 taong kaarawan.

Show comments