5 pulis dinukot ng NPA Rebels
MANILA, Philippines - Dinukot ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang limang pulis kabilang ang isang opisyal kamakalawa sa Purok 5, Brgy. Mapula, Paquibato District, Davao City.
Ang mga pulis na dinukot ay kinilalang sina P/CI Tarongoy, hepe ng Paquibato Police Station na nakabase sa Brgy. Malabod at mga tauhan nitong sina PO3 Cabuenas; PO3 Ali; PO3 Pachete at PO2 Arellano.
Lumalabas sa imbestigasyon, papunta sa detachment ng CAFGU sa Kiman-aw sa Paquibato District, Davao City ang mga pulis na lulan ng patrol car para magsagawa sana ng pagsisiyasat matapos na atakihin ng mga rebeldeng grupo ang Cafgu detachment sa Paquibato District, Brgy. Salapawan nang harangin ng mga rebelde.
Hindi naman isinama ng mga rebelde ang drayber ng patrol car na isang civilian paid driver na si Ronald Dordas, 53-anyos.
- Latest