^

Police Metro

2 sakay ng motor utas sa trak

Rho­derick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang da­lawang sakay ng isang motorsiklo makaraang sumalpok sila sa likurang bahagi ng isang nakaparadang trak sa gilid ng highway sa harapan ng Limpin Rice Mill, Norala, South Cotabato, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jay Fe Baclaan Francisco, 25, may-asawa, driver ng motorsiklo at angkas na si  Romel Cepida Penuelo, 22, binata, kapwa mga residente ng Purok Que Alma, Poblacion Norala.

Batay sa ulat, binabaybay ng dalawang biktima sakay ng isang motorsiklo (6034-HO) nang bumangga sa likurang bahagi ng Isuzu truck na pagmamay-ari ni Cristito Santillana.

Sa lakas nang pagsalpok ay tumilapon ang da­lawa na unang bumagsak ang ulo sa kalsada.

Ang dalawang biktima ay dinala sa ospital ng mga nakakita sa pangyayari, subalit hindi umabot ang mga ito ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with