MANILA, Philippines – Ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘no permit, no rally policy’ kaugnay ng gaganaping ika-30 taong anibersaryo ngayong araw.
Sinabi ni NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Gonzales-Molitas na handa na ang kanilang puwersa kaugnay ng ipatutupad na seguridad sa makasaysayang okasyon.
Itinaas na sa full alert status ng NCRPO ang kanilang hanay para matiyak na magiging mapayapa ang paggunita sa People’s Power Revolution.
Ang full alert status ay tatagal naman hanggang Pebrero 26, 2016 o hanggang sa ibaba na ng NCRPO ang kanilang alert status.