^

Police Metro

Away ng angkan: 3 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong katao ang napatay habang isa ang nasugatan nang magkasagupa ang dalawang magkalabang angkan kamakalawa sa Indanan, Sulu.

Batay sa ulat,bandang alas-5:40 ng hapon ng Biyernes nang magsagupa ang magkalabang angkan ng MNLF at Abu Sayyaf  sa Brgy. Buanza, Indanan.

Napatay sa engkuwentro sina Gabir Madjang, da­ting sundalo sa ilalim ng integration program para sa mga mi­yembro ng MNLF kasamahan nitong si Mursid Amdaman.

Habang nasawi mula naman  grupo ng Abu Sayyaf ay isa sa mga anak na lalaki ng Sub–Commander ng mga bandido na si Abu Pisih sa mahigit 15 minuto na bakbakan.

Isa naman ang  nasugatan sa panig ng MNLF na si Sakur Madjang  na patuloy na nilalapatan ng lunas sa Sulu Provincial Hospital.

Bago ang bakbakan ay nasangkot ang grupo ni Pisih sa panununog ng tahanan nina Madjang sa Brgy. Buanza dahilan naghihinala itong informer ng militar ang kanilang mga kalaban.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang maigting na pagpapatupad ng law enforcement operation ng tropa ng pamahalaan laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with