4 heavy equipments sinunog ng NPA

MANILA, Philippines – Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang apat na heavy equipments makaraang salakayin ang Pineapple Plantation Company ng Del Monte Philippines Inc. at ang Dole Philippines Inc. sa magkahiwalay  na pagsalakay sa Malaybalay City, Bukidnon kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Major Joe Patrick Martinez, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, dakong alauna ng madaling araw nang salakayin ng mga rebelde ang tanggapan ng Dole Philippines Inc at pagbabarilin ang mega spray truck nito  sa Sitio Upper Gabunan sa Brgy. Casisang.

Isinunod naman ang pagsalakay sa Pineapple Plantation Company ng Del Monte Philippines, Inc. sa Lapanday sa Zone 6, Brgy. Impalambong dakong alas-2 ng mada­ling araw.

Agad na binuhusan ng mga rebelde ng gasolina ang dalawang bulldozer at boom spray ng plantasyon saka sinilaban.

Lumilitaw naman na pangingikil ang motibo ng pagsalakay ng NPA rebs.

“This is a clear evidence that the NPA has now resorted to banditry and no longer fight for ideology. We are now tracking down these criminals and will ensure that they will face the crimes they have committed with the help of the peace-loving people of Bukidnon,” pahayag naman ni Col. Jesse Alvarez, commander ng Army’s 403rd Infantry Brigade.

 

Show comments