^

Police Metro

2 patay, 5 nasugatan sa 3 sunog

Lordeth Bonilla, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang naiulat na nasawi habang lima ang nasugatan sa magkakahiwalay na sunog sa Taguig City, Maynila at Las Piñas City.

Sa Taguig City, nasawi sa suffocation ang biktimang si Manuela Buquel, 96, ng Apag St., Barangay Ususan matapos makulong sa kuwarto ng nasusunog niyang bahay dakong alas-10:45 ng umaga.

Tanging ang bahay lang ni Buquel ang nasunog matapos maidek­larang fireout dakong alas-11:11 ng umaga.

Namatay din sa suffocation ang isang Jonjon Comandante habang dalawa ang nasugatan sa naganap na sunog sa Morong kanto ng Her­mosa Sts., Tondo, Maynila, kamakalawa ng alas-7:30 ng gabi na nagsimula sa bahay ng isang Lito Balmaceda sa  no. 999 Int., 2 Morong St., Tondo, Maynila.

Nadamay din ng sunog ang may 15  katabing bahay na tinatayang may nakatirang 30 pamilya at dakong alas-9:25 ng gabi nang ideklarang fireout ang sunog.

Nasunog naman ang 40 bahay sa Las Piñas City na ikinasugat ng tatlong katao kamakalawa ng alas-7:30 ng gabi.

Ang mga nasugatan dahil sa tinamong 1st degree burn ay kinilalang sina Florencio Alfaro, 52; Elsa Sevilla, 42; at Mary Ann Importante, 50, pawang mga residente ng Trinidad St., Barangay Pamplona Uno ng natu­rang lungsod.

Nabatid na nagsi­mula ang sunog sa kusina ng bahay ng isang Carlito Lutina sa San Isidro Compound ng naturang lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa kahoy ang mga kabahayan at nagbagsakan ang tatlong biktima ng mga nagla­lagablab na yero at kahoy.

Halos magdadalawang oras bago naapula ang apoy.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAG ST.

ATILDE

BARANGAY PAMPLONA UNO

BARANGAY USUSAN

CARLITO LUTINA

ELSA SEVILLA

FLORENCIO ALFARO

LAS PI

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with