MANILA, Philippines – Nagsanib puwersa ang Commission on Elections (Comelec) at ang social networking site na Facebook upang mapalawak ang partisipasyon ng publiko sa nalalapit na halalan.
Ang paglulunsad ay pinangunahan nina Comelec Chairman Andres Bautista, Facebook Director for Global Politics and Govt Outreach Katie Harback at Facebook Head of Public Policy for Asia Pacific Elizabeth Hernandez.
Kabilang sa tatlong elemento na tututukan sa nasabing partnership ay ang engagement kung saan makikipagtulungan ang FB sa Comelec sa pangangalap ng mga tanong para sa mga kandidatong lalahok sa debate.
Maglalagay din ng ‘I’m a voter” product na ilalabas ng FB sa araw ng eleksyon sa hangad na mahimok ang mga botante na bomoto lalu pa’t 47 milyon sa mga Pilipino ay Facebook user.
Gagamitin din ng trending insight kung saan magpapalabas ang FB ng “pulse of the nation” para ipakita ang mga nangungunang kandidato, at mga isyu tungkol sa eleksyon.