Bank account ni Marcelino paiimbestigahan sa AMLC

MANILA, Philippines – Matapos makakuha ang Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs (PNP-AIDG) ng mga bank deposit slips ni dating drug buster Marine Col.Ferdinand Marcelino na lubha nilang ikinaduda kayat hiniling nila sa tanggapan ng Anti-Money Launde­ring Council (AMLC) na imbestigahan ang mga bank accounts nito.

Ayon kay PNP-AIDG Spokesman Chief Inspector  Roque Merdeguia, umaabot sa P2.2 M ang kabuuan ng mga deposit slips  na kanilang nakuha ang nakapa­ngalan kay Marcelino na nahuli sa P320M drug raid sa Sta. Cruz, Maynila noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Merdeguia, ang pinakamalaking deposit ay P500,000.00 noong Mayo 26; P200,000.00 noong Hunyo 25 at P300,000.00 noong Hulyo 31; pawang nairekord noong 2014.

Idinagdag pa ni Merdeguia na noong Marso 4, 2015  ay may panibagong nai-deposito si Marcelino na umaabot sa  P300,000.00.

Isinailalim na rin sa forensic examination ang telepono ng dating drug buster at hepe ng Special Enforcement Services (SES) ng PDEA.

Show comments