3 sundalo patay sa NPA rebels

MANILA, Philippines – Napatay ang tatlong sundalo nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa bayan ng Balbalan, Kalinga kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Corporal John Rey Dayag, Private First Class Jocel Abbacan at Jordan Bolar.

Batay sa ulat, ilang oras ang nakalipas magtapos  maghapunan ang mga sundalo nang paulanan ng bala ng rebelde ang patrol base ng Army’s 50th Infantry Battalion na ikinasawi ng tatlong sundalo.

Gumanti ng putok ang mga sundalo sa mga rebelde na kung saan ay nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan bitbit ang mga nasugatan at posibleng nalagas sa kanilang hanay.

 

Show comments