MANILA, Philippines – Nagpalabas ng kautusan si Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Gines na nagkakansela sa operasyon ng grab bike at grab motorcycle sa kumpanya ng Grab taxi.
Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB nang makarating sa ahensiya ang sumbong na bukod sa Grab taxi ay mayroon na rin itong Grab bike at Grab motorcycles na naghahatid sundo sa mga pasahero laluna kung matindi ang traffic sa Metro Manila.
Sinabi ni Atty.Ariel Inton, boardmember ng LTFRB na dapat na mai-regulate ang pasahe sa naturang mga sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.